Bakit ba tayo nagdurusa? Iyan ang madalas na tinatanong ng mga tao sa sarili nila minsan pa nga ay itintanong nila ito sa Diyos. Pag-uusapan natin ang mga dahilan.
1. DAHIL KONTROLADO NG ISANG MASAMA ANG MUNDO- SI SATANAS
Anong mga ebidensya na kontrolado ni Satanas ang mundo? Halimbawa ang mga tao sa ngayon ay nakakaranas ng karahasan (rape, murder, atbp.), taggutom, sakit at kamatayan.
2. HINDI PERPEKTO
Dahil hindi perpekto ang mga tao nakakagawa sila ng masama. Halimbawa nakapatay ang isa, ito ay nagdudulot ng pagdurusa sa pamilya ng biktima.
3. IMPLUWENSYA NG MASAMANG GOBYERNO
Kung ang isang namamahala sa bansa ay marahas, kurakot, walang pagmamahal sa mamamayan. Nagdudulot ito ng kahirapan sa mga tao. Ang isang lider ay dapat na huwaran sa nasasakupan, kaya kung ito ay masama ganun din ang ginagawa ng mga nasasakupan.
4. IMPLUWENSYA NG MGA MALING TURO
Kung ang turo ng isang grupo ay labag sa batas nagdudulot ito ng gulo sa bansa, ang pagkawatak-watak ng mamamayan o pamilya.
5. MALING DESISYON
Sa lahat ng bagay tayo ay gumagawa ng desisyon. Kaya kung gumawa ng desisyon kailangan ang isa ay kalmado o hindi galit dahil nakakaapekto rin ito sa pamilya o mahal sa buhay.
6. KAMATAYAN
Dahil sa namana nating kasalanan lahat tayo ay namamatay. Nagdudulot ito ng pagdurusa sa mga pamilyang maiiwanan ng isang pumanaw.
7. PAGSUBOK
Lahat ng tao nakakaranas ng pagsubok. Kaya ang dapat gawin, manalangin, huwag isisi sa Diyos ang mga nararanasang pagsubok. Alalahanin sa number 1 na ang mundo ay kontrolado ni Satanas kaya sa kanya galing ang lahat ng pagsubok hindi sa Diyos.





