TRAVEL DESTINATION

Monday, 7 December 2020

thumbnail

HOW TO SAVE MONEY FAST

 

Kung gusto mo maging financially free, kailangan matuto kang magdami ng pera mo. Pero hindi ibig sabihin ay lahat ng perang kinita mo ay itatabi mo. Ang kailangan mo lang matutunan ay ang "Art of Spending less than you Actualy Need". Marami ang may ganitong problema kaya marami din ang matalino o talented na tao na never yumaman. Narito ang ilang tips na pwede mong simulan kaagad.


1. 30 DAY RULE



        Lahat ng gusto mong bilhin ay ilista sa papel at maghintay ng 30 days bago bilhin ang mga bagay na iyon. Nakakatulong ito para maiwasan ang impose buying. Kadalasan kasi after ng 30 days ay baka hindi kana interesado o hindi mo na kailangan ang mga iyon, at bibilhin mo nalang yung mga bagay na kailangan mo.


2. PAY YOURSELF FIRST



        Kailangan magcommit ka na bayaran ang sarili kahit 10% sa tuwing sweldo mo kada buwan. Dahil karamihan sa atin ay nagbabayad ng kuryente, tubig, upa sa bahay, telepono at maliban sa sarili. Minsan, inuuna pa nating bumili ng mga bagay na hindi kailangan o tinatawag na "luho". Kaya mas mabuting ilagay sa savings account mo ang 10% ng suweldo mo.


3. CREATE A GROCERY LIST



        Bago pumunta sa grocery o supermarket, siguraduhing may dala kang listahan ng bibilhin mo para mabili lang ang importante at kailangan dahil kung hindi ito ay sanhi ng over spending dahil hindi mo alam kung ano talaga ang bibilhin mo.


4. MINDSET CHANGE



        Magkaroon ng mindset change from spending more to saving more. Palaging tandaan na madaling magdabi ng pera kung kumikita ka din ng malaki. Kaya laging magfocus sa pagtatabi ng pera or how to earn more sa pamamagitan ng pag-educate sa sarili sa mga skills kung paano makapag produce ng pera. At iwasan ang gawaing "Earn more, Spend more" dahil hindi habang buhay ay malakas kang magtrabaho.


        Kapag pinagsama-sama mo ang mga tips na ito, siguradong tataas ang savings at paniguradong may madudukot ka sa panahon ng kagipitan, at syempre secured future.

Subscribe by Email

Follow Updates Articles from This Blog via Email

No Comments

Search This Blog

CORON ISLAND IN PALAWAN

 HISTORY: The Calamianes Islands were originally inhabited by the Tagbanuas, Calmiananen and Cuyonon tribes. Oral history tells that the Dat...

Powered by Blogger.